Ang CBCP at My Husband’s Lover

(https://sphotos-a.xx.fbcdn.net/hphotos-ash4/p480x480/1005878_638513029512194_842464884_n.jpg)

Kung tama ang nalalaman ko, ang My Husband’s Lover ang unang pagtatangka ng lokal na midya na talakayin at ipabilang sa local programming ang isang palabas na may temang lubhang sensitibo para sa lipunan–ang usapin ng mga lalaking magka-relasyon. Sa isang banda, kung pinag-isipan nang mabuti at inililok ang kuwento upang mas maunawaan at matanggap ng sambayanan ang mga pinagdadaanan at romantikong relasyon sa pagitan ng mga bakla, maaari itong makapagdulot ng positibong pagbabago sa ating lipunan na tungo sa pagkakapantay-pantay ng bawa’t isa pagdating sa pag-ibig. Sa kabilang banda, kung hindi naman maganda ang karakter at kuwento sa pagitan ng mga bida, gaya ng pinatutunguhan ng kuwento ngayon kung saan nagtataksil si Vincent sa kanyang asawang si Lally dahil naging sila na ulit ni Eric, maaari nitong mapasama ang kalunos-lunos ng kalagayan ng mga bakla sa ating bayan. At sa napapabalitang pananawagan ng CBCP ng suspensyon para sa naturang programa, paano pa sila mabibigyan ng pagkakataon na mapabuti ang pagtrato at pagtingin sa kanila ng tao?

Sa aking pananaw, quota na sa pangingialam ang CBCP sa mga pagtatampok ng mga paksang LGBT sa midya o pagkakaroon ng same-sex relationships sa lipunan. Bilang pangunahing institusyong Katoliko na kumakatawan sa mga halimbawa ng Panginoon at sa mga pangangaral nito tungkol sa pagtanggap, pagkupkop, pagrespeto at pagmamahal sa kapwa, hindi ba’t sila ang dapat na nangunguna sa pagprotekta sa mga bakla, at hindi sa pagkokondena sa mga ito? Una sa lahat, sila ang dapat na takbuhan, hindi ang tinatakbuhan ng mga ito. Hindi ako sigurado rito, pero bakit tila wala pa akong naririnig na pahayag mula sa kanila na nagtatanggol sa mga bakla? Tila isa ito sa mga kailangang baguhin ng simbahan, hindi po ba?

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s