Pa-profound.

Meron akong fino-follow na celebrity sa Twitter na idol na idol ko dahil lahat ng pangit pinupuna niya sa social networking site na ito. Kulang na nga lang pati mga pangit na celebrities punahin niya eh. Joke! Ang hindi joke, mapa-pulitiko, kapwa celebrity, religious leaders, bansa, wala siyang pakialam sa kanila basta sasabihin niya lahat ng iniisip niya ‘pag alam niyang ito ang tama. Ano nga naman ang pakialam nila, may freedom of expression tayo.

Ang kagandahan din dito, parang ang tapang niya kasi isipin mo, atakihin mo ba naman ‘yung mga malalakas na tao sa lipunan? Astig kaya ‘yon. Basta, ang talino at ang profound ng mga banat niya patungkol sa mga social ills natin, tapos siyempre, Twitter pa ‘yon so ang powerful, ‘di ba?

Nung isang araw nga nag-tweet siya ng, ‘Sometimes, I weep for humanity’ kasama ng screen cap ng top 2 trending topics noong araw na ‘yon.  Ang isa ay tungkol sa trailer ng teleseryeng marahil ay inaabangan ng maraming Pilipinong gumagamit ng Twitter, at ang isa naman ay para kay Justin Bieber.

Oo nga naman. Dapat pa nga natin siyang samahang magluksa dahil sa kababawan ng sangkatauhan (or in this case, sa kababawan ng mga Pilipinong gumagamit ng Twitter) dahil ito ang kanilang mga pinag-uusapan sa halip na mga mas socially relevant at kapaki-pakinabang na bagay. Haay, naku, ang mga Pilipino talaga. Sana lahat ng Pilipino tularan na lang ang mga tweets nya, baka umasenso pa ang bansa natin. Bakit ba sila nag-aaksaya ng panahon na magpa-trend pa ng mga walang kakwenta-kwentang bagay? Waste of time, ah.

Isang beses naman, sinuggest niya sa mga obispo (sa pamamagitan din ng Twitter) na patirahin na lang sa mga simbahan lahat ng illegal settlers na nawalan ng tirahan dahil sa demolisyon. Sayang naman daw ang space kasi nga naman, ang lalaki ng simbahan eh ‘pag linggo lang naman napupuno. Bakit nga naman hindi? Ang lawak kaya ng lupain ng simbahan. At sa dinami-rami ng donations na natatanggap nila sa mga taga-sunod nila, kayang-kaya nilang kumupkop ng mga homeless. Tsaka teaching ni Jesus ‘yon, ‘di ba? Pero hindi naman sa pag-aano, ha, sinusuportahan ko si idol dito, ‘wag lang niyang sasabihin ‘yan sa mga Muslim kasi hindi natin sila kabisadong magalit. Pero okay lang talaga kung mga Kristiyanong lider lang ang patamaan niya.

Sa totoo lang, marami pa ‘yan. Kulang pa ‘yan para ma-establish ko ‘yung pagtingala ko rito sa idol ko. Kaya lang #medyobusy ako eh. Next time ko na lang itutuloy, ha?

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s