Ang pag-ibig at ang pag-aaral.

Ang pag-ibig ay parang pag-aaral. Kapag nilaktawan mo ang elementary at dumiretso ka sa high school, mahihirapan kang sagutin ang mas mahihirap na katanungan sa Math at English dahil hindi mo naman alam ang basic. Parang sa love, ‘pag di ka dumaan sa ligaw stage, sa kalaunan ay mahihirapan kang i-maintain yung kilig factor dahil hindi mo naman natutunang manligaw at magpakilig.

Bakit ko ba ‘to sinasabi? Kahapon kasi, nagdemand si misis na pakiligin ko daw siya (with matching conditions pa). Natigilan ako, unang una dahil para sa’kin, synonymous siya sa ‘panliligaw’ at iyon ang hindi ko pa nagagawa sa buong buhay ko. Aminado ako, marunong akong manlandi, pero juskopo, manligaw hindi. Ang dami kong nilandi dati at (sa tingin ko) kumakagat naman sila. Kaya ‘yon, hindi pa ‘ko nanligaw kahit kelan dahil parang hindi naman na kailangan. (Echos!)

So ito ang pinoproblema ko ngayon. Game ako sa challenge, pero hindi ko pa alam kung pa’no. Tinanong ko siya kung may nagawa na ba ko ever na nakapagpakilig sa kanya, tas sabi niya kapag hinohold ko daw ‘yung hand niya bigla or kahit na bigyan ko lang siya ng chocolate (depende kung masarap daw, LOL). Pero ‘pag iniisip ko ‘yung mga sinabi niya, parang para sa’kin hindi naman nakakakilig ‘yung mga ‘yon. Saka parang ‘pag ginagawa ko kasi ‘yon hindi naman siya mukhang kinikilig. Unlike ‘pag siya ‘yung may ginagawa, sinasabi ko na kinikilig ako para alam niya. Kaya for me, ito siguro ‘yung downside ng same-sex relationships, kasi hindi pwedeng isa lang ang nanliligaw. Eh ito pa naman ‘yung weakness ko. Hindi naman sa nagrereklamo ako. :p

Advertisements

2 thoughts on “Ang pag-ibig at ang pag-aaral.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s