Paunang Salita

Mahal kong sarili,

Nais lamang kitang bigyan ng isang mainit na pagtanggap at masigabong group hug dahil sa wakas ay may blog ka na. May blog ka naman noon, subalit bunga ng isang insidenteng kasuklam-suklam, napilitan kang burahin ito at itigil ang pagsusulat.

Naaalala mo ba noon, ikinuwento mo sa iyong blog ang iyong mga saloobin noong debut mo mga ilang taon pa lang ang nakalilipas? May mga nasabi kang sentimiyento tungkol sa iyong pamilya na malaya mong isinulat dito. Hindi mo naman inaasahang mahahanap ito ng iyong Tito at ipi-print sa isang papel na siya naman niyang ipapabasa sa iyong Tita at Nanay at marahil ay sa kung sino-sino pa. Napagalitan ka dahil minasama nila ang iyong mga nasabi at hanggang ngayon ay hindi mo pa rin maintindihan kung bakit nila ginawa iyon. Nagkaroon ng kaunting drama. Umiyak ka dahil bilang batang pinagagalitan ng nakatatanda, wala kang magawa kahit alam mong walang masama sa pagbubuhos ng saloobin sa isang blog. At higit sa lahat, ipinangako mo sa iyong sarili na hindi ka na muling magsusulat dito.

Pero ngayon, tingnan mo, mukhang nakabawi ka na. Hindi ka na natatakot mag-blog sa pag-iisip na baka mahanap na naman nila itong muli. Cheka! Takot ka pa rin, hindi ba? Kaya nga anonymous ka eh! ‘Kaw talaga! Pa-kiss nga!

8 thoughts on “Paunang Salita

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s